Thursday, November 10, 2011

the last train


(I made this short story as a practice for my writing skills. The task was to make a story on which the main character is a father and on a first person viewpoint. Please feel free to put comments. :D)


                I lit up another cigarette and watched as the end of the stick burned red ashes. I inhaled a puff of smoke with exhaling. This, I know, did not help me feel calmer. I sat here on a rusted bench with my wife on the city’s train station for almost three hours. Two trains have already come and gone. The next train will be the last. The place was full of other people sweating because of the heat of the noonday sun. Everybody hardly talked. I guess they, too, were waiting for the last train bringing the news that would either make us or break us.
                Last night, my niece told me that today the soldiers who fought on the war will go home riding the last train for the day. The war had happened so suddenly that one night someone called over the phone. My son, Fred, took the call and learned that it was his battalion leader. He left the next morning. My wife had nothing to do but hugged him and wished him luck. I, despite the urge, have not even had the chance to tell him I was proud of him or even say “good luck”.
                I was awakened from my wandering thoughts by an approaching low rumbling sound. The train came toward the station and stopped with a screeching sound. Everyone stood up eagerly. Soldiers on their khaki military attires, some with bandages and splints, started to disembark the train. My wife and I watched patiently for our son to appear and come running to us. A tall man with a bandage on his left arm, the last passenger of the train, went out the train and slowly walked towards us, probably because he noticed that our worried eyes are fixed at him.
                “Good day, Sir. I am Lieut. Stradford. Are you Mr. Pryster?”, he asked.
              I nodded. He handed me a small white envelope…a letter from the US Air Force. I took it with trembling hands. I looked at him eye to eye, searching for an answer to a question I could not bear to ask. He just looked back at me with sorry eyes.
                I opened the letter. Every word hit my heart like the bullets that killed my son. I stared blankly at the empty train in front of me while my wife embraced me, sobbing.
                If life is a journey, we are all like riding trains of experiences and opportunities. We ride, go around the town, meet people and see places. But there is only one train, may be unexpectedly our last, that will bring us to our true home.

Sunday, November 6, 2011

Saturday, November 5, 2011

Worn-Out Badge

(This blog is dedicated to my brother. Bro, now that you have stepped onto college life, I hope you will learn many things and continually grow up as a man.)

                Once in Manila, as we were going home from a camp, I saw this vendor’s stand with various badge pins. Being a collector of badges myself, one particular badge caught my attention. It is a size of a small circular compact mirror with a yellow background and black bold playful print of “Good-For-Nothing-Student”. My co-camper saw it too and we bargained on who will have the badge. I won and bought it.
                Come my last year in high school when I wore a sling bag strapped with different badges along with that “Good-For-Nothing-Student” badge, somehow the badge proved to be wrong. However, if I could turn back time, I should have not bought it.
                Sometimes, I just need to be careful of what I label myself. Even though the effects of the words did not show up during that time, I think it does now in college. It was an autopilot etched on my subconscious. As I labeled myself “Good-For-Nothing-Student”, it crept through my brain, through my veins, and through my entire system. I realized that my primary purpose when I bought that badge was to “put myself to that level and live showing the opposite”. But, I made an unnecessary enemy out of thin air.
                In high school, I admit I spent only 20% of my time studying, that was during our time to practice for a practicum, during the four periodical exams, and when I am in a class of a monster teacher when I need to focus or else I will be devoured…exaggerated. The other 80% were, well, anything under the sun.
                But college is different. A lot different. Being passive, lazy, “parbol”, not doing my assignments, not reviewing for quizzes and exams, not taking notes, not listening to teachers, just hanging out with friends and not thinking about what could happen to my future, and if I consistently and passionately do this process, surely I will be a certified “Good-For-Nothing-Student”, not a Certified Public Accountant.
                Whenever I don’t feel the pressure and the motivation to strive with my studies, I remember the lesson from the ant which says…
“You lazy fool, look at an ant.
Watch it closely; let it teach you a thing or two.
Nobody has to tell it what to do.
All summer it stores up food;
At harvest it stockpiles provisions.
So how long are you going to laze around doing nothing?
How long before you get out of bed?
A nap here, a nap there, a day off here, a day off there,
Sit back, take it easy--- do you know what comes next?
Just this: You can look forward to a dirt-poor life,
Poverty your permanent houseguest!”
+Proverbs 6:6-11+

                Now I have a better idea of what badge to wear. It is something that says, “Study as if you have not prayed, and pray as if you have not studied.”

Monday, August 1, 2011

It's Never Easy

AGAPE by Redeemed Band

Ayokong iwan ka,
Ngunit wala naman akong magagawa.
Alam ko na ayaw mo rin,
Ngunit ito ang dapat nating gawin...

Masakit man ito
Kailangan kong lumayo

Chorus:
Dahil may mas mahalaga
Kaysa sa 'ting nadarama
At hindi itong damdamin
Ang dapat nating unahin
May tamang panahon
Ngunit 'di pa yon ngayon
At sana ay malaman mong mahal kita,
Pero mas mahal ko Siya


Di sapat na dahilan
Ang pag-sintang wala namang kabuluhan
Upang ating ipagpalit
Sa tungkulin na ating nakamit

Masakit man ito
Kailangan kong lumayo

Chorus:
Dahil may mas mahalaga
Kaysa sa 'ting nadarama
At hindi itong damdamin
Ang dapat nating unahin
May tamang panahon
Ngunit 'di pa yon ngayon
At sana ay malaman mong mahal kita,
Pero mas mahal ko Siya

Bridge:
Minsan kailangan ding
Wag nating sundin,
Ang tibok nitong puso
Sana kahit na magkalayo
Ay 'wag tayong hihinto...


Masakit man ito, kailangan kong lumayo...

Dahil may mas mahalaga
Kaysa sa 'ting nadarama
At hindi itong damdamin
Ang dapat nating unahin
May tamang panahon
Ngunit 'di pa yon ngayon
At sana ay malaman mong mahal kitaaaaaa…
May mas mahalaga
Kaysa sa 'ting nadarama
At hindi itong damdamin
Ang dapat nating unahin
May tamang panahon
Ngunit 'di pa yon ngayon
At sana ay malaman mong mahal kita,
pero mas mahal ko Siya...

Mas mahal ko Siya,
Mas mahal ko Siya.

Break ups cannot be explained in any way possible, just like how I can't explain how I've fallen in love. And sometimes it's really hard to do the right thing. Some do not understand me, someone is hurt so much, and even my own heart is shattered. But then, I must live by the Word, by faith, and I shall fear no judgment of men. Now, I entrust to God everything about us. 

Saturday, June 4, 2011

GrekaBLESSED

Sa pagbabalik ko sa Puerto
Ako’y sinalubong ng mga katribo
Levi ang aking naging tahanan
Aking naging pamilya sa simbahan

Sa Hike for Life ay sumali
Para lang hamunin ang sarili
Maglalakad para sa MSU
At para summer ay tiyak ma-enjoy ko

Doon nga sa Coliseum nagsimula
Ang paglalakbay na napakahaba
Mga katribo ay naglakad ng nakapula
Lahat sama-sama, mapabata o matanda

Akala ko nung una ay madali
Ngunit sa San Jose natuklasang hindi
Masakit na agad ang paa at binti
Parang tuloy gusto ko ng umuwi

Gabi nun at bilog ang buwan
Nang ang banner ay natanawan
Alas diyes na nakarating sa Bacungan
Masakit na ang paa hanggang balakang

Doon nga’y maraming nakilala
Mga taong iba-iba ang istorya
Mga mababait at masarap kasama
Sa pagtulog ay katabi humiga

Sa ikatlong araw ay pa-Bahile
Madaling araw pa lang handa na ang sarili
Sa Kilometer 35 ay nasabi
“Kakayanin ko ‘to kahit ‘di madali!”

Kinabukasan naman ay napakapait
Natikman ang lupit ng Tagabinet
Pataas, pababa at liko-liko ang kalsada
Parang roller coaster nga talaga

May mga session din sa ilalim ng puno
True Love Waits ay talagang isinapuso
Naglaro rin kami kasama ang mga katribo
Nagbonding at nag-enjoy ng totoo

Sabi, sa may view deck ay malapit na
Konting liko na lang daw at taas-baba
Pero naglakad ng halos dalawang oras pa
Di makapanniwalang sobrang layo pa pala

Ngunit isang karanasan ang di malilimutan
Dahil gustong makita agad ang banner sa harapan
Muntik kong hindi mapansin
Ang napakagandang limestone na tanawin

Nagmuni at naglaro sa isipan
Sa buhay ay baka may nakakaligtaan
Sa bilis ng takbo ng oras at kabusyhan
Likha ng Panginoo’y hindi na hinahangaan

Sa Festival of Life naman ay napagpala
Presensiya ng Diyos aking nadama
Sa krus kasalanan ay binitawan
Nagdesisyong magbago’t di na iyon balikan

Huling araw nga ay dumating
Ang Sabang ay naghihintay na sa amin
Magandang dalampasigan ay sumalubong
Tila nagyayaya ng ligo ang mga alon

Pitumpu’t limang kilometro ay nakaya
Walang sakay-sakay, di sumuko talaga
Kaya kay Lord ay nagpapasalamat ng sobra
Sa bawat hakbang, Siya ay kasama.

Pagkatapos nito’y Hitch Camp naman
Level Up, kaalaman ay nadagdagan
Sa puso’y nagkaroon ng intensyon
Plano ng Diyos ay nabigyang atensyon

Iba-ibang buhay ang naibahagi
Mga hinanakit at masakit na pangyayari
Ngunit lahat ng ito’y napalitan ng saya
Dahil pag-ibig ni Kristo’y nadama

Sa games ay talagang natuto
Mga mensaheng pansarili at panggrupo
Sa FGD nga ay naunawaan
Dahil sa krus, enemy ay matatalo’t pagbabago’y makakamtan


Sa Trust Fall natutong magtiwala
Sa wall climbing takot sa heights nawala
Sa Tissue Trail mag-ingat sa salita
Upang di na makasakit sa kapwa

Sa The Breakfast ay nahirapan
Komunikasyon ay di talaga kadalian
Ngunit magkagayunpaman
Ang resulta’y napagtagumpayan

Ang Eco-challenge ay sobrang nakakapagod
Mainit na araw sa amin ay sumubok
Nag-water relay at synchronized walking
Sa Drop Me Not binuhat ang pinakabigatin

May Power of One, Spiderweb at Catacomb
Tanker, Square Puzzle at Plank and Platforms
Lahat ay nagturo ng maraming lesson
Maging communicative, collaborative at mission-oriented person

Sa pag-uwi bitbit ang dog tag
Na sumisimbolo ng tibay at tatag
Ngunit higit sa lahat ay ang nasa puso
Ang pag-ibig ng Diyos na ibabahagi sa mundo


(To those who are puzzled with the title, grekablessed means "grabe kablessed".  :D)

Friday, May 6, 2011

family bloopers trilogy

     Sa tahanan naman talaga nag-uumpisa lahat, diba? Bago ka nagkaron ng barkada, bago ka nag-aral, bago mo nakilala ang nagpatibok ng puso mo, bago ka nagtrabaho, lahat sa tahanan nagsimula. Sa tahanan ka unang nagkaisip, natuto, umiyak at tumawa. Nakakatuwa lang at gusto kong ikwento ang ilang mga nakakatawang bagay na "tatak-bahay"...mga pangyayaring kahit ulit-ulitin, natatawa pa rin ako sa tuwing sumasagi sa aking isipan. :D Sana ay makarelate kayo sa mga kalokohan namin sa bahay. Enjoy!


Warm Alcohol
     Mahilig talagang maglagay ng alcohol si Tatay. Kahit nga mukha niya, kahit mahapdi sa mata, nilalagyan niya pa rin ng alcohol. Minsan nilalagay niya rin ang alcohol sa mga parte ng katawan na makati. Kahit saan...palawakin mo na lang ang imahinasyon mo sa kung saan siya naglalagay ng alcohol. Basta kahit saan. Hehehe.

     Isang umaga, naligo siya. Pagkatapos niyang maligo, naglagay siya ng alcohol sa pwet. Maya-maya napansin naming dali-dali siyang bumalik sa banyo, at sumisigaw ng, "Mers, ano ba itong lalagyan ng alcohol sa may labahan, zonrox pala ang laman?".

     Hindi ko alam kung si Tatay ba ang dapat sisihin na naglagay siya ng alcohol ng basta-basta, o si Nanay dahil hindi siya nagsasabing nilipat niya pala ng lalagyan ang zonrox, pero sigurado akong... mainit sa balat ang zonrox. Hahahahaha!


Kimi Banana
     Isang araw naman, nag-grocery kami sa NCCC at napagtripan naming magkakapatid na bumili ng "Kimi Banana". Sa mga hindi nakakaalam, ice drop yun na ang outer layer ay jelly at pwedeng balatan na parang saging dahil sa loob ay may vanilla ice cream. Kumpleto kaming magkakapatid nung panahong yun kaya pinicturan namin ang mga sarili naming kumakain nun, tapos inupload agad namin sa Facebook. Makalipas ang ilang araw, marami ang nag-comment sa picture na yun. Mukha kasing masarap ang kain namin sa Kimi Banana. Pero isang comment ang nangibabaw sa lahat. Sabi kasi ng Auntie ko sa comment niya, "Ano yan ne, lakatan?"


     Haaai, napakasarap na lakatan. :D


Mini Cake
     Eto naman, monthsary namin ng boyfriend ko, pumunta kami ng Mitra at napadaan din kami sa Baker's Hill. Bumili kami ng choco moist mini cakes dun (kung yun ba ang tawag dun) para ipasalubong ko sa bahay. Siyempre pagdating sa bahay, kinain agad ng mga kapatid ko. Sabi ko tirahan si Tatay kahit isa. Eh may nahulog na isang mini cake sa sahig, kaya hindi nila kinain yung huli pang isa. Pero, yung nahulog sa sahig ibinalik pa nila sa lalagyan sa hindi ko na malamang kadahilanan.
Pagdating ni Tatay, nakita niya agad ang mini cake. Kinain niya yung isang mini cake, yung malinis. Pero may isa pa sa lalagyan at walang nakapagsabi sa kanya na nahulog na yun sa sahig. Mabilis ang kamay niya sa pagsubo. Bago pa mabuka ng kapatid ko ang bibig niya para pagsabihan ang Tatay ko, nasubo na niya ang mini cake. Sabi ng Tatay ko, "Ang sarap nito ah, kaso bakit parang lasang buhangin?"

     Humalakhak ng todo ang kapatid ko. At strike two na si Tatay. ahahahah!



     Pag nalulungkot na ako sa MSU, eto na lang iisipin ko para sumaya ako ulit. :D