Wednesday, May 6, 2009

usapang bata

Zel: Nakakatawa nung Grade 6, yung dumudugo yung mga ilong ng mga tao!

Jen: Oo,si Emma! Yung sa Math yun diba kay Ma’am Paalan?

Zel: Oo yun!

Nagbabalik-tanaw ang mga isip namin sa nakalipas, ako at si Zerah. Limang taon na rin ang nagdaan mula nang nagtapos kami ng elementary, at apat na taon na mula nang huli kaming magkita ni Zel. Nakaupo kami nun sa hapag-kainan sa loob ng kusina sa bahay nina Zel sa Fort Bonifacio…ginugunita ang mga alaalang akala namin ay matagal ng naglaho. Akala namin, nawala na ang lahat ng iyon sa paglipas ng panahon. Ngunit sa pagkakataong iyon ay tila lumiit muli kami, nakasuot ulit ng puting blusa at asul na palda, mas “cute” kumpara sa mga dalagitang mukha namin ngayon…at tila nasa loob muli kami ng Puerto Princesa Pilot Elementary School…nag-aaral, naglalaro, nagsasaya at walang problemang alintana sa mundo ng pagkabata.

Jen: Ala-una yun eh, yung sa klase ni Ma’am Paalan. (tawa kami ng tawa)

Zel: Apat yun eh, ang alam ko…

Jen: Dalawa lang ang naaalala ko…

Natahimik kaming pareho sa loob ng ilang segundo. Mabilis na pumasok sa isip ko ang itsura ng aming silid-aralan noong ikaanim na taon…apat na sulok ng mga kahoy na pininturahan ng kulay na asul. Sa likod ako nakaupo nun, sa Table 6. Sa pwesto ko ay nakikita ko ang mga kaklase kong nakaupo sa Table 1, Table 2, Table 3, at Table 4. Sa kanan naman namin ang Table 5. Madalas nagtatalo ang klase kung aling table ang may pinakamababait, pinakamalilinis o pinakamaiingay na mga estudyante. Pero anu’t ano pa man, isang larawan ang nakakintal sa isip ko sa kwartong iyon noong ikaanim na taon… Mga limampu o higit pang mga batang lalaki at babaeng nasa gitna pa ng “puberty stage”, laging nag-iingay kaya lagi ring nasusuway ng tagapagpayong si Mrs. Erlinda Gianan…at isa pa, halos lahat sila ay malilikot…magugulo…bata.

Zel: Tatlo, hindi?

Jen: Si Nicole at si Emma lang…

Zel: Ang naaalala ko, yung tatlo ang may birthday ng Feb.29.

Jen: Si Rachel…Gabia.

Zel: Si Carlo ba yun?

Jen: Oo, Asebuque.

Zel: Tsaka si Jules…

O, diba? Ang Star A- Grade 6 Sampaguita…tatlo ang may kaarawan na tuwing leap year lang nagaganap. Maswerte sila dahil nung 2004, ang taon kung kelan kaming lahat nagtapos, ay leap year…kaya hindi na nila kinailangan pang pumili sa Feb.28 o Mar.1 kung kelan sila magdiriwang.

Jen: Naaalala mo pa yung… diba pag elementary…lalo na pag birthday ni John Alvin Socrates…as in tiba-tiba ang mga pagkain! Basta nung Grade 1, pag may birthday ang daming pagkain…

May mga party hats pa nga nun…may spaghetti, may ice cream at iba pang handa. Sa puso ng isang bata, pagkaing pambata rin ang nagpapasaya…lalo na’t libre!

Zel: Tapos nakakatawa yung mga “donated by…” na square na semento-semento…sabi natin mga puntod!

Jen: Diba yun yung banda sa may Manalo Gate?

Zel: Oo, dun yun tsaka meron din sa may SPED.

Jen: Oo, tsaka naaalala ko kapag naggi-Girl Scouts tayo na camping, nag-iigib tayo sa bomba doon, hindi nga ako tumitingin sa building na yun eh (lalo na ‘pag gabi).

Zel: Tapos nakakatawa pag nagdidilig tayo, bumabaha…

Jen: Diba yung pasok natin nun 8? Seven pa lang naglilinis na…yung tipong maglilinis muna ng BUONG paligid bago magkaklase…Tapos yung CR kailangan walang buhok… Diba nagdo-donate tayo ng floor wax? (obliged tayong magdonate. How ironic.)

Zel: Nung Grade 5 yung may Joe Bosch at kandila!

Jen: Ah, oo!

Zel: …diba magbubunot? Si Byrd nasa harap tapos may dance step siya habang nagbubunot tayo tapos sumusunod tayo sa kanya!

Jen: Naaalala mo yung gymnastics na may ribbon? (sumasayaw rin si Byrd gamit yun!)

Zel: Tapos nagbibigay siya sa akin ng mga teddy bears kasi ang galing niya sa toy crane…

O, mga classmate namin nung Grade 6, naaalala nyo pa ba ang toy crane sa NCCC noon?

Jen: Ah, oo!

Zel: Lahat ng nakukuha nya sa crane na yun, sa’kin nya binibigay… Yung nandun pa lang kami, bali-balita ng magkaka-SM…

Jen: Oo, hanggang ngayon wala pa rin…pero malay natin…

Zel: Baka sa Tagburos…

Eh, kelan kaya magkaka-SM sa Palawan? Tatanda na lang yata tayo ng nangangarap sa SM Puerto Princesa…Hahaha!

Jen: Naaalala mo yung…nag-Sabayang Pagbigkas tayo nung Grade 6? Natalo tayo.

Zel: Mabilis daw masyado.

Jen: Tapos yung time na sumabog yung paputok, late na… nakakagulat. Ano ka nun, Mindanao?

Zel: Oo,Mindanao. Meron pa nga ako nung damit eh.

Jen: Ako rin. Nandyan pa.

Hindi lang ito ang mga nakapagkwentuhan namin ni Zel…sobrang dami pang iba…

Tulad ng…

pagbubunot sa uban ni Sir Aurelio nung Grade 4, at nagpapabilisan pa tayo sa pagkopya sa notebook,

si Sir Gerald at Sir Regalado, naaalala nyu pa?

eh yung pinapakintab natin na parang salamin ang sahig sa room ni Ma’am Dionido?

Yung malaking poste sa room ni Ma’am Maringit kaya nahihirapang makakita ang mga nasa likod…

Yung ice pop tuwing recess nung Grade 2 kay Ma’am Marzo…

Ang pagbibigay ng stickers ni Ma’am Raidis sa mga behaved na mga estudyante, si Aira Maraneta nga ang may pinakamaraming stickers nun…

Yung gumagawa tayo ng “nests” gamit ang mga tuyong dahon sa field…

Ang mga dahon ng star apple, ginagawa pa nating hikaw…

Yung paglalaro natin sa playground…ang playground na marami ng biniktimang mga bata…

Eh diba taun-taon may field demo tayo? Mambo #5 nung Grade 2? Breathless nung Grade 4? Voltes 5 nung Grade 5? At Cariňosa nung Grade 6? Nakalimutan ko na yung iba eh…

Sino nga ba naman ang makakalimot kay “Majimbo” at ang signature moves nya sa “Yesterday’s Dream”? Pinagalitan nya pa nga ang pipi na hindi kumakanta nun!

Sino pa ang nakakaalala ng kantang “Youth at the Frontline” na tinuro sa atin ni Ate Sanilyn?

Gusto nyu ba mag-mention pa ako ng love teams?

Si DRR kay JKM, tapos naging JKM kay JRV. Eh panu yung JRV love AB na vandalism sa gym?hahaha… tapos meron pa yang GMB at JMO…isama pa natin dyan si ERP at JJF. Eto ang malupet…c ZLM kay AJT.ooops, buking agad.hahaha… ang tamaan…GUILTY.

Eh yung spelling words ni Ma’am Baaco na rendezvous, chandelier, lingerie?

Eh ito, marami akong nalunok na laway nito eh: ang pagbabalasa ni Ma’am Manabat ng mga index cards…walang humihinga!

May bato-bola at Extra Challenge pa tayo nung Grade 6…

Maro pa…jackstone…baraha…ten-twenty…chinese garter… paramihan ng tao sa isang page ng libro tapos pitikan…at kung anu-ano pang wirdong mga larong bata.

F4, Starstruck, Hunter X Hunter, Dragon Balls Z, Ghost Fighter, Super Yoyo, Slum Dunk, Fushigi Yuugi…endless ang listahan.

French Bread: Polk o chicken? (take note: P-O-L-K)

Masarap balikan ang mga alaala, lalo na yung masasaya…Ang sarap maging bata ulit noh? Pero tumatanda na tayo eh.

Ganun na nga. Peo at least pwede pa rin nating balikan. Kahit papano.

Monday, May 4, 2009

point of love and justice

this song may be boooooooorrrrrrrriinng to read,

but please take time to read and ponder to this heart-breaking song.

...

All of my life

i can't believe someone would love me.

but He loves

sooo much.!

please read through.



Mercy Saw Me

Verse 1:

The years had left scars, The scars had left pain,

How could He recognize me, I wasn’t the same;

I knew I should pay And I knew the price,

For justice and law demanded my life.

But His tender heart Heard my desp’rate cry,

And He saw my past Through merciful eyes

Chorus:

Beautiful,

That’s how mercy saw me,

Though I was broken And so lost,

Mercy looked past all my faults;

The justice of God saw What I had done,

But mercy saw me Through the Son,

Not what I was, But what I could be,

That’s how mercy saw me

Verse 2:

Wherever you’ve gone, You can’t go too far

That His eyes of mercy Can’t see where you are;

He loves you too much To leave you alone,

You’re flesh of His flesh And bone of His bone

And His heart cries out For your heart today,

See yourself through His eyes And then you can say

Bridge:

Sin had stolen my dignity And all my self esteem;

But I was made brand new again,

When mercy looked at me

(Repeat Chorus)

Not what I was,

But what I could be,

That’s how Jesus saw me


" The abundance of your love does not increase His. The lack of your love does not diminish His. Your goodness does not enhance His love, nor does your weakness dilute it... God loves you simply because He has chosen to do so. He loves you when you don't feel lovely... That's where His love and justice meet... That's His GRACE."

-Experiencing the Heart of Jesus by Max Lucado

Hanggang kailan ako maghihintay??? ( a reaction)

Letter from a Manila girl:

Dear God,
I am about to be ready to commit
myself to someone I fell in love with. Could I take
him now? I have prayed for him for quite a time now.

Pero sabi ng Diyos:

Huwag muna, not until you are
satisfied, fulfilled and content with being loved by
me alone. You need to give yourself totally
unreserved to me because in me your satisfaction is
to be found. And when you learn to commit yourself
to me alone then, only then is the right time for
you to be capable of a perfect human relationship that
I have planned for you, long before you thought about it.
You will never be united with another until you are
united with me. You will never learn to speak and
understand the true language of love until you hear
me speak it. You will never learn how it is to love
and be loved until you feel the tender touch of my
LOVE.
I want you to stop planning. Stop wishing and
allow me to step in and give you the most surprising
and exciting plan that you can imagine. You are my
child. I want you to have the best. Please allow
me to bring it to you. Fix your eyes on me and
expect the greatest things as you watch. Keep
experiencing the satisfaction that I AM. Learn all
the things I tell you and be patient. Just wait.
Don’t be anxious. Do not worry. Don’t look around
and feel at the things others may have got. Yours
will be different because I LOVE YOU. Don’t look at
things you think you want. They may not be the
things I want for you. Look up straight at me
because you might miss what I want to show you.
And then, when you’re ready. I’ll surprise you
with a lover far more wonderful than what you would
ever dream of. But I won’t let you have it until
you are ready and the one I have prepared for you is
ready, until you are both satisfied exclusively with
me and the LIFE I have prepared for you.
FIND ME….AND EVERYTHING ELSE THAT YOU THINK YOU NEED WILL BE PUT INTO YOUR LIFE!
Yours truly , God

from:
http://www.tlw.ph/2006/12/04/hanggang-kailan/
August 28, 2007 Tuesday at 5:55pm •

wow. i am speechless.
xmpre binasa q 2 kc sabi ko rn nga,
"Lord, hnnggang kelan aq maghihintay?"
tapos habang binabasa q ang sulat, parang ang sarap sumabat n
"Lord, hnggang kelan nga?"
pero ang sabi Niya,
"I thought binigay mu n s akin ang PEN para isulat q ang love story mu? Bakit gus2 mung kunin?"

oo nga noh,
kung makikialam p aq s pagsusulat...
ung tipong lalagyan q n agad ng ending ang story smantalang nsa gitna p lang ang story, e di ppngit ang story.

tsaka, kung para aqng batang makikipag-agawan ng pen s Knya,
marurumihan lang with useless scribbles ang love story q.

kaya,
i trust the Author of Love fully.
kahit gaano katagal.♥

a special HEART's DAY

last Feb.14,2009 was the best, so far. i celebrated hearts' day (and i opt not to call it Valentine's Day) with a date with my most SPECIAL SOMEONE.

hehehehe. Dont get me wrong, i have no boyfriend.

nor MU.

what makes this year different is that i celebrated it with the LOVER OF MY SOUL, Jesus Christ.

instead of waking up early and texting 'sum1' special 2u.. or spending the whole day with that 'sum1'.. or talking the whole nyt with the sweetest words u can say 2that 'sum1'.. i finally realized that...hearts' day are not for 'lovers' after all.

cguro papalag ang mga couples kung mababasa nila ito, but what im saying is kung ang relationship nyu brings u closer to God..go on. Yet, marami kcng 'milagro'ng nngyayri 2wing feb14...

keeping pure s araw n yan is hard, ryt?

feb14 dw kc eh..

love.love.love.love.

but u know wat?

y dont u try it?

nxt feb14.. celebrate it with the Author of Love.

talk with Him, through prayers.

write love letters, through your spiritual journal.

read His book of love..the BIBLE.

sing the timeless love songs... songs dedicated for Him.

kung gaano tau kacreative with expressing love with the opposite sex, mas maging creative p sna tau pag s Knya.

the question is,

cud u giv Him chocolates,

flowers?

kisses and hugs?

HEARTS’ DAY.

the answer:

YES.

you cud giv Him the lushness of chocolates,

the sweet smell of fresh flowers,

and the warmth of ur hugs and kisses.

you cud giv Him your life and your LOVE.

nauna na nga xang nagbigay ng s Kanya eh.diba?

"We, though, are going to love—love and be loved. First we were loved, now we love. He loved us first."

-1 john 4:19 msg

lalo n s mga single..

wala n ngang mas makakapuno sa tin kundi Siya.

rather than grieving over the fact n wala kng boyfriend, wla kng kadate, malungkot ang feb14 at sinusumpa mu ito..

hellur, gumising k.

may date k kya.

hnhintay k nga Niya lagi.

peo lagi mo rin Siyang ini-INDIAN.

your personal book of love with Him cud actually start now.

try mung magstart s John, 4th book s new testament ng Bible.

pagpalain k!