Mula sa kawalan ay isang silahis ng dagitab ang sa isip
niya’y gumising
May dapat kang isulat, sigaw ng kanyang utak
Mayroon kang pangarap, hiyaw ng kanyang puso
Siya namang karipas niya sa paghahanap ng pluma at papel sa
kung saan
Dadaloy na ang mga ideya mula sa ugat ng kayamang nasa loob
ng kanyang bungo
Daraan sa hiyas sa kanyang dibdib…
Patungo sa dulo ng kanyang mga daliri
Nariyan na at kailangan niya ng ipakawala
Ngunit…Malabo, madilim, hindi mahagilap…
Isang napakalikot na obrang matagal ng nais madakip
Mailap…di mawari kung maamo ba o sadyang ubod ng
bangis
Siyang ganda kaya o walang pinagkaiba sa iba?
At sa dulo ay naisip niya na lamang…
Marahil ay hindi pa handa, sa susunod na lang…kapag perpekto
na.
No comments:
Post a Comment
so what can you say? :)