Zel: Nakakatawa nung Grade 6, yung dumudugo yung mga ilong ng mga tao!
Jen: Oo,si Emma! Yung sa Math yun diba kay Ma’am Paalan?
Zel: Oo yun!
Nagbabalik-tanaw ang mga isip namin sa nakalipas, ako at si Zerah. Limang taon na rin ang nagdaan mula nang nagtapos kami ng elementary, at apat na taon na mula nang huli kaming magkita ni Zel. Nakaupo kami nun sa hapag-kainan sa loob ng kusina sa bahay nina Zel sa
Jen: Ala-una yun eh, yung sa klase ni Ma’am Paalan. (tawa kami ng tawa)
Zel: Apat yun eh, ang alam ko…
Jen: Dalawa lang ang naaalala ko…
Natahimik kaming pareho sa loob ng ilang segundo. Mabilis na pumasok sa isip ko ang itsura ng aming silid-aralan noong ikaanim na taon…apat na sulok ng mga kahoy na pininturahan ng kulay na asul. Sa likod ako nakaupo nun, sa Table 6. Sa pwesto ko ay nakikita ko ang mga kaklase kong nakaupo sa Table 1, Table 2, Table 3, at Table 4. Sa kanan naman namin ang Table 5. Madalas nagtatalo ang klase kung aling table ang may pinakamababait, pinakamalilinis o pinakamaiingay na mga estudyante. Pero anu’t ano pa man, isang larawan ang nakakintal sa isip ko sa kwartong iyon noong ikaanim na taon… Mga limampu o higit pang mga batang lalaki at babaeng nasa gitna pa ng “puberty stage”, laging nag-iingay kaya lagi ring nasusuway ng tagapagpayong si Mrs. Erlinda Gianan…at isa pa, halos lahat sila ay malilikot…magugulo…bata.
Zel: Tatlo, hindi?
Jen: Si Nicole at si Emma lang…
Zel: Ang naaalala ko, yung tatlo ang may birthday ng Feb.29.
Jen: Si Rachel…Gabia.
Zel: Si Carlo ba yun?
Jen: Oo, Asebuque.
Zel: Tsaka si Jules…
O, diba? Ang Star A- Grade 6 Sampaguita…tatlo ang may kaarawan na tuwing leap year lang nagaganap. Maswerte sila dahil nung 2004, ang taon kung kelan kaming lahat nagtapos, ay leap year…kaya hindi na nila kinailangan pang pumili sa Feb.28 o Mar.1 kung kelan sila magdiriwang.
Jen: Naaalala mo pa yung… diba pag elementary…lalo na pag birthday ni John Alvin Socrates…as in tiba-tiba ang mga pagkain! Basta nung Grade 1, pag may birthday ang daming pagkain…
May mga party hats pa nga nun…may spaghetti, may ice cream at iba pang handa. Sa puso ng isang bata, pagkaing pambata rin ang nagpapasaya…lalo na’t libre! ☺
Zel: Tapos nakakatawa yung mga “donated by…” na square na semento-semento…sabi natin mga puntod!
Jen: Diba yun yung banda sa may Manalo Gate?
Zel: Oo, dun yun tsaka meron din sa may SPED.
Jen: Oo, tsaka naaalala ko kapag naggi-Girl Scouts tayo na camping, nag-iigib tayo sa bomba doon, hindi nga ako tumitingin sa building na yun eh (lalo na ‘pag gabi).
Zel: Tapos nakakatawa pag nagdidilig tayo, bumabaha…
Jen: Diba yung pasok natin nun 8? Seven pa lang naglilinis na…yung tipong maglilinis muna ng BUONG paligid bago magkaklase…Tapos yung CR kailangan walang buhok… Diba nagdo-donate tayo ng floor wax? (obliged tayong magdonate. How ironic.)
Zel: Nung Grade 5 yung may Joe Bosch at kandila!
Jen: Ah, oo!
Zel: …diba magbubunot? Si Byrd nasa harap tapos may dance step siya habang nagbubunot tayo tapos sumusunod tayo sa kanya!
Jen: Naaalala mo yung gymnastics na may ribbon? (sumasayaw rin si Byrd gamit yun!)
Zel: Tapos nagbibigay siya sa akin ng mga teddy bears kasi ang galing niya sa toy crane…
O, mga classmate namin nung Grade 6, naaalala nyo pa ba ang toy crane sa NCCC noon?
Jen: Ah, oo!
Zel: Lahat ng nakukuha nya sa crane na yun, sa’kin nya binibigay… Yung nandun pa lang kami, bali-balita ng magkaka-SM…
Jen: Oo, hanggang ngayon wala pa rin…pero malay natin…
Zel: Baka sa Tagburos…☺
Eh, kelan kaya magkaka-SM sa
Jen: Naaalala mo yung…nag-Sabayang Pagbigkas tayo nung Grade 6? Natalo tayo.
Zel: Mabilis daw masyado.
Jen: Tapos yung time na sumabog yung paputok, late na… nakakagulat. Ano ka nun,
Zel: Oo,
Jen: Ako rin. Nandyan pa.
Hindi lang ito ang mga nakapagkwentuhan namin ni Zel…sobrang dami pang iba…
Tulad ng…
pagbubunot sa uban ni Sir Aurelio nung Grade 4, at nagpapabilisan pa tayo sa pagkopya sa notebook,
si Sir Gerald at Sir Regalado, naaalala nyu pa?
eh yung pinapakintab natin na parang salamin ang sahig sa room ni Ma’am Dionido?
Yung malaking poste sa room ni Ma’am Maringit kaya nahihirapang makakita ang mga nasa likod…
Yung ice pop tuwing recess nung Grade 2 kay Ma’am Marzo…
Ang pagbibigay ng stickers ni Ma’am Raidis sa mga behaved na mga estudyante, si Aira Maraneta nga ang may pinakamaraming stickers nun…
Yung gumagawa tayo ng “nests” gamit ang mga tuyong dahon sa field…
Ang mga dahon ng star apple, ginagawa pa nating hikaw…
Yung paglalaro natin sa playground…ang playground na marami ng biniktimang mga bata…
Eh diba taun-taon may field demo tayo? Mambo #5 nung Grade 2? Breathless nung Grade 4? Voltes 5 nung Grade 5? At Cariňosa nung Grade 6? Nakalimutan ko na yung iba eh…
Sino nga ba naman ang makakalimot kay “Majimbo” at ang signature moves nya sa “Yesterday’s Dream”? Pinagalitan nya pa nga ang pipi na hindi kumakanta nun!
Sino pa ang nakakaalala ng kantang “Youth at the Frontline” na tinuro sa atin ni Ate Sanilyn?
Gusto nyu ba mag-mention pa ako ng love teams?
Si DRR kay JKM, tapos naging JKM kay JRV. Eh panu yung JRV love AB na vandalism sa gym?hahaha… tapos meron pa yang GMB at JMO…isama pa natin dyan si ERP at JJF. Eto ang malupet…c ZLM kay AJT.ooops, buking agad.hahaha… ang tamaan…GUILTY.
Eh yung spelling words ni Ma’am Baaco na rendezvous, chandelier, lingerie?
Eh ito, marami akong nalunok na laway nito eh: ang pagbabalasa ni Ma’am Manabat ng mga index cards…walang humihinga!
May bato-bola at Extra Challenge pa tayo nung Grade 6…
Maro pa…jackstone…baraha…ten-twenty…chinese garter… paramihan ng tao sa isang page ng libro tapos pitikan…at kung anu-ano pang wirdong mga larong bata.
F4, Starstruck, Hunter X Hunter, Dragon Balls Z, Ghost Fighter, Super Yoyo, Slum Dunk, Fushigi Yuugi…endless ang listahan.
French Bread: Polk o chicken? (take note: P-O-L-K)
Masarap balikan ang mga alaala, lalo na yung masasaya…Ang sarap maging bata ulit noh? Pero tumatanda na tayo eh.
Ganun na nga. Peo at least pwede pa rin nating balikan. Kahit papano.
wow at talagang extra pa kami ni mama sa blog na ito hehe. sige bisitahin mo rin ang blog ko-
ReplyDeletepinang16.blogspot.com
at iyong youth at the frontline--- ito iclick mo---
http://www.youtube.com/watch?v=D5PeEUZAiX4
para maalala niyo ang tono..
salamat!
ate sani
was here! happi blogging(=
ReplyDeletedrop by my blog din..taong-gubat.blogspot.com
hehehe.