Friday, May 6, 2011

family bloopers trilogy

     Sa tahanan naman talaga nag-uumpisa lahat, diba? Bago ka nagkaron ng barkada, bago ka nag-aral, bago mo nakilala ang nagpatibok ng puso mo, bago ka nagtrabaho, lahat sa tahanan nagsimula. Sa tahanan ka unang nagkaisip, natuto, umiyak at tumawa. Nakakatuwa lang at gusto kong ikwento ang ilang mga nakakatawang bagay na "tatak-bahay"...mga pangyayaring kahit ulit-ulitin, natatawa pa rin ako sa tuwing sumasagi sa aking isipan. :D Sana ay makarelate kayo sa mga kalokohan namin sa bahay. Enjoy!


Warm Alcohol
     Mahilig talagang maglagay ng alcohol si Tatay. Kahit nga mukha niya, kahit mahapdi sa mata, nilalagyan niya pa rin ng alcohol. Minsan nilalagay niya rin ang alcohol sa mga parte ng katawan na makati. Kahit saan...palawakin mo na lang ang imahinasyon mo sa kung saan siya naglalagay ng alcohol. Basta kahit saan. Hehehe.

     Isang umaga, naligo siya. Pagkatapos niyang maligo, naglagay siya ng alcohol sa pwet. Maya-maya napansin naming dali-dali siyang bumalik sa banyo, at sumisigaw ng, "Mers, ano ba itong lalagyan ng alcohol sa may labahan, zonrox pala ang laman?".

     Hindi ko alam kung si Tatay ba ang dapat sisihin na naglagay siya ng alcohol ng basta-basta, o si Nanay dahil hindi siya nagsasabing nilipat niya pala ng lalagyan ang zonrox, pero sigurado akong... mainit sa balat ang zonrox. Hahahahaha!


Kimi Banana
     Isang araw naman, nag-grocery kami sa NCCC at napagtripan naming magkakapatid na bumili ng "Kimi Banana". Sa mga hindi nakakaalam, ice drop yun na ang outer layer ay jelly at pwedeng balatan na parang saging dahil sa loob ay may vanilla ice cream. Kumpleto kaming magkakapatid nung panahong yun kaya pinicturan namin ang mga sarili naming kumakain nun, tapos inupload agad namin sa Facebook. Makalipas ang ilang araw, marami ang nag-comment sa picture na yun. Mukha kasing masarap ang kain namin sa Kimi Banana. Pero isang comment ang nangibabaw sa lahat. Sabi kasi ng Auntie ko sa comment niya, "Ano yan ne, lakatan?"


     Haaai, napakasarap na lakatan. :D


Mini Cake
     Eto naman, monthsary namin ng boyfriend ko, pumunta kami ng Mitra at napadaan din kami sa Baker's Hill. Bumili kami ng choco moist mini cakes dun (kung yun ba ang tawag dun) para ipasalubong ko sa bahay. Siyempre pagdating sa bahay, kinain agad ng mga kapatid ko. Sabi ko tirahan si Tatay kahit isa. Eh may nahulog na isang mini cake sa sahig, kaya hindi nila kinain yung huli pang isa. Pero, yung nahulog sa sahig ibinalik pa nila sa lalagyan sa hindi ko na malamang kadahilanan.
Pagdating ni Tatay, nakita niya agad ang mini cake. Kinain niya yung isang mini cake, yung malinis. Pero may isa pa sa lalagyan at walang nakapagsabi sa kanya na nahulog na yun sa sahig. Mabilis ang kamay niya sa pagsubo. Bago pa mabuka ng kapatid ko ang bibig niya para pagsabihan ang Tatay ko, nasubo na niya ang mini cake. Sabi ng Tatay ko, "Ang sarap nito ah, kaso bakit parang lasang buhangin?"

     Humalakhak ng todo ang kapatid ko. At strike two na si Tatay. ahahahah!



     Pag nalulungkot na ako sa MSU, eto na lang iisipin ko para sumaya ako ulit. :D