Sa pagbabalik ko sa Puerto
Ako’y sinalubong ng mga katribo
Levi ang aking naging tahanan
Aking naging pamilya sa simbahan
Sa Hike for Life ay sumali
Para lang hamunin ang sarili
Maglalakad para sa MSU
At para summer ay tiyak ma-enjoy ko
Doon nga sa Coliseum nagsimula
Ang paglalakbay na napakahaba
Mga katribo ay naglakad ng nakapula
Lahat sama-sama, mapabata o matanda
Akala ko nung una ay madali
Ngunit sa San Jose natuklasang hindi
Masakit na agad ang paa at binti
Parang tuloy gusto ko ng umuwi
Gabi nun at bilog ang buwan
Nang ang banner ay natanawan
Alas diyes na nakarating sa Bacungan
Masakit na ang paa hanggang balakang
Doon nga’y maraming nakilala
Mga taong iba-iba ang istorya
Mga mababait at masarap kasama
Sa pagtulog ay katabi humiga
Sa ikatlong araw ay pa-Bahile
Madaling araw pa lang handa na ang sarili
Sa Kilometer 35 ay nasabi
“Kakayanin ko ‘to kahit ‘di madali!”
Kinabukasan naman ay napakapait
Natikman ang lupit ng Tagabinet
Pataas, pababa at liko-liko ang kalsada
Parang roller coaster nga talaga
May mga session din sa ilalim ng puno
True Love Waits ay talagang isinapuso
Naglaro rin kami kasama ang mga katribo
Nagbonding at nag-enjoy ng totoo
Sabi, sa may view deck ay malapit na
Konting liko na lang daw at taas-baba
Pero naglakad ng halos dalawang oras pa
Di makapanniwalang sobrang layo pa pala
Ngunit isang karanasan ang di malilimutan
Dahil gustong makita agad ang banner sa harapan
Muntik kong hindi mapansin
Ang napakagandang limestone na tanawin
Nagmuni at naglaro sa isipan
Sa buhay ay baka may nakakaligtaan
Sa bilis ng takbo ng oras at kabusyhan
Likha ng Panginoo’y hindi na hinahangaan
Sa Festival of Life naman ay napagpala
Presensiya ng Diyos aking nadama
Sa krus kasalanan ay binitawan
Nagdesisyong magbago’t di na iyon balikan
Huling araw nga ay dumating
Ang Sabang ay naghihintay na sa amin
Magandang dalampasigan ay sumalubong
Tila nagyayaya ng ligo ang mga alon
Pitumpu’t limang kilometro ay nakaya
Walang sakay-sakay, di sumuko talaga
Kaya kay Lord ay nagpapasalamat ng sobra
Sa bawat hakbang, Siya ay kasama.
Pagkatapos nito’y Hitch Camp naman
Level Up, kaalaman ay nadagdagan
Sa puso’y nagkaroon ng intensyon
Plano ng Diyos ay nabigyang atensyon
Iba-ibang buhay ang naibahagi
Mga hinanakit at masakit na pangyayari
Ngunit lahat ng ito’y napalitan ng saya
Dahil pag-ibig ni Kristo’y nadama
Sa games ay talagang natuto
Mga mensaheng pansarili at panggrupo
Sa FGD nga ay naunawaan
Dahil sa krus, enemy ay matatalo’t pagbabago’y makakamtan
Sa Trust Fall natutong magtiwala
Sa wall climbing takot sa heights nawala
Sa Tissue Trail mag-ingat sa salita
Upang di na makasakit sa kapwa
Sa The Breakfast ay nahirapan
Komunikasyon ay di talaga kadalian
Ngunit magkagayunpaman
Ang resulta’y napagtagumpayan
Ang Eco-challenge ay sobrang nakakapagod
Mainit na araw sa amin ay sumubok
Nag-water relay at synchronized walking
Sa Drop Me Not binuhat ang pinakabigatin
May Power of One, Spiderweb at Catacomb
Tanker, Square Puzzle at Plank and Platforms
Lahat ay nagturo ng maraming lesson
Maging communicative, collaborative at mission-oriented person
Sa pag-uwi bitbit ang dog tag
Na sumisimbolo ng tibay at tatag
Ngunit higit sa lahat ay ang nasa puso
Ang pag-ibig ng Diyos na ibabahagi sa mundo(To those who are puzzled with the title, grekablessed means "grabe kablessed". :D)